Tinatayang dodoble ang taunang average income ng mga Pilipino sa P378,000 sa sunod na 6 na taon o pagsapit ng 2030 ayon sa Department of Finance (DOF).
Sa kasalukuyan, ayon kay Finance Sec. Ralph Recto ang average income ng bawat indibidwal sa bansa ay nasa humigit-kumulang P206,000 kada taon.
Bunsod ng kasalukuyang bilis ng paglago ng ekonomiya, sinabi ng Finance chief na ang typical na income ng mga Piipino ay halos dodoble sa 2030 na aabot sa $6,500 o katumbas ng P378,150 base sa kasalukuyang exchange rate.
Iniugnay ni Sec. Recto ang bilis ng income growth sa matatag na local labor market nagpapataas sa consumer spending na binubuo ng mahigit 70% ng ekonomiya.
Gayundin, mas marami aniyang mga Pilipino ang nasa formal at stable jobs na bumubuo sa malaking bahagi ng ating workforce.
Paliwanag ng kalihim na mahalaga ang pagpapahusay sa kalidad ng trabaho para sa mga Pilipino para sa paglago ng middle class at pagsusulong ng PH tungo sa upper-middle income country sa susunod na taon.