-- Advertisements --

DAVAOC CITY – Dinagsa ng mga Dabawenyo ang muling pagbabalik ng taunang gift-giving o Pahalipay sa Taal ng pamilya Duterte na isinagawa sa Taal, Bangkal, Brgy. Talomo Proper, Davao City.

Ang mga matatanda ay makakatanggap ng gift packs na may lamang tatlong kilo ng bigas at mga canned goods. May mga ipinamudmod din na pack lunch at gift certificate na nagkakahalaga ng Php 300 at Php 150 bilang pamasahe. Habang ang mga nasa edad 18 anyos pababa ay makakatanggap ng pack lunch bawat isa.

Napag alamang may mga matatanda at buntis din na nakapila at nang dahil sa dami ng tao at tirik na araw, iilan sa mga namamasko ang hinimalay na dali namang isinugod sa Davao Adventist Hosptal.

Kagabi palang ay may iilan na, na naka antabay sa labas para mauna sa linya at agarang matanggap ang pamaskong handog ng Duterte Family.
Ilang taon din na itinigil ng pamilya Duterte ang Pahalipay sa Taal, dulot ng pandemya.

Una ng sinabi ng Davao City Police Office (DCPO) na nasa mahigit kumulang 40,000 ka tawo ang dadayo sa lugar, kung saan may mga dumayo pa nga mula sa Arakan North Cotabato.