Kinansela ng North Korea ang Pyongyang Marathon dahil sa pangamba sa banta ng coronavirus.
Kinumpirma ito ng Beijing-based Koryo Tours ang official partner ng marathon.
Nananatili kasing sarado ang border ng North Korea dahil sa COVID-19 matapos na tumaas ang bilang ng nadapuan at nasawi dahil sa virus.
Ginaganap ang taunang marathon sa Abril bilang anniversary commerations ng founder na si Kim II Sung na isinilang noong 1912.
Dinadayo ito ng mga runners mula sa iba pang mga bansa para masubukan ang pagtakbo sa mahigpit ng kinokontrol na lugar.
Aabot sa 1,000 mga Westerners ang sumali noong nakaraang taon kung saan magbabayad ang mga ito ng $150 bilang registration fee.
Magugunitang ipinasara na ng North Korea ang kanilang border at sinuspendi ang operasyon ng flighs at train service, pinagbawalan din ang mga turista para hindi makapasok ang coronavirus.