-- Advertisements --
Posibleng ituloy pa ring ang taunang Oktoberfest sa Germany.
Sinabi ni Bavarian premier Markus Soeder na ibinigay na niya ang desisyon kay Mayor Dieter Reiter kung itutuloy ba ito na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Umaabot kasi sa mahigit anim na milyong bisita ang nahihikayat ng nasabing Oktoberfest sa Munich kada taon.
Magugunitang nitong Miyerkules ay pumayag ang gobyerno ng Germany na luwagan ang kanilang lockdown subalit ang mga malalaking events ay ipagbabawal hanggang Agosto 31.