-- Advertisements --
Magiging “Patanaw” na lamang imbes na tradisyonal na pahalik sa imahe ng itim na Nazareno sa simbahan ng Quiapo.
Sinabi ni Monsignor Hernando Coronel na sisimulan sa Disyembre ang nasabing patanaw na mas magiging ligtas kumpara sa pahalik.
Sa nasabing paraan ay ilalabas lamang ang imahe at ito ay matatanaw ng mga deboto sa labas lamang ng simbahan.
Magkakaroon ng online misa na pangangasiwaan ni Bishop Broderick Pabillo.
Magugunitang nagdesisyon ang Manila City Government at pamunuan ng Quiapo Church na kanselahin ang taunang parada ng itim na Nazarene dahil sa banta ng coronavirus.