Dinagsa ng mga deboto ang tradisyunal na taunang ‘pahalik’ sa itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.
Sabado pa lamang ay matiyagang nag-abang sa Quiapo Church ang mga debotong hindi inalintana ang init, puyat at pagod para lang mahawakan at mahalikan ang poon ng Itim na Nazareno.
Inaaasahan na papalo sa milyon-milyong mga deboto ang pupunta sa naturang tradisyon.
Alas 7 ng gabi nitong Sabado nagsimula ang pahalik sa replika ng itim na Nazareno at magpapatuloy ito hanggang Enero 10.
Pero ipinagbabawal pa rin ang paghalik sa imahen. Pinapayagan lamang ang paghawak at pagpunas gamit ang panyo o tuwalya.
Kung maalala, unang ipinagbawal ang nasabing tradisyon nu’ng panahon ng pandemya na dala ng COVID-19 nu’ng 2021.
Pinalitan ng “Pagpupugay” ang taunang tradisyon noong kasagsagan ng pandemya kung saan ang mga deboto ay pinapayagan lamang na tignan ang Itim na Nazareno.