-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ang taunang Met Gala dahil sa coronavirus pandemic.

Magsisimula sana ang taunang fashion show sa New York nitong lunes na magtatagal ng ilang araw subalit dahil sa lockdown ay kinansela na ito.

Ilan sa mga dadalo sa red carpet ng nasabing fashion show ay sina Lady Gaga, Billy Porter at singer na si Katy Perry.

https://www.instagram.com/p/B_x7VH4nvZw/?utm_source=ig_embed

Dahil sa nasabing kanselasyon ay ipinakita ng ilang mga Hollywood actress at singers ang kanilang mga gown na isusuot sana sa sikat na fashion show.

Sa Instagram account, isinuot ng beteranang actress ang kaniyang gown ganun din si Amanda Seyfried habang sila ay nasa kanilang mga bahay dahil sa lockdown.