-- Advertisements --
Kinansela na ng sikat na lingerie brand na Victoria Secret ang kanilang taunang fashion show.
Ito ay dahil sa mababang televsion ratings at mga kritisismo.
Inilunsad ang nasabing fashion show noong 1995 at kada taon ay tumataas ang viewers.
Subalit noong nakaraang taon ay bumaba ang rating sa umani ng kritisismo dahil sa pagiging sexist,
outdated at kulang ng diversity.
Ayon sa parent company nito na na L Brands na mahalaga na magkaroon ng pagbabago ng marketing strategy ang nasabing kumpanya.
Sa nasabing fashion show ay nakilala ang mga supermodels gaya nina Tyra Banks, Heidi Klum at Miranda Kerr.