-- Advertisements --
Itinakda sa darating na Enero 11 ang unang Vin d’Honneur ngayong taon.
Ang nasabing tradisyonal na Vin d’Honneur ay kadalasang dinadaluhan ng mga diplomatic corps at mga lider ng bansa.
Dalawang beses itong ginagawa sa isang taon na una ay sa pagsisimula ng bagong taon at pangalawa ay para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng bansa na kadalasang ginaganap sa Malacañang Palace.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, na ang Vin d’Honneur ay galing sa tradisyon sa France na ang ibig sabihin ay “wine of honor”.
Noong nakaraang Hunyo ng Vin d’Honneur ay binigyang halaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalago ng ekonomiya na may malaking benepisyo sa mga ordinaryong Pilipino.