Itiitgil na ng Philippine Football Federation (PFF) ang paggamit ng monicker na “Azkals”.
Sinaib ni PFF team manager Freddy Gonzales na ang layon nito ay para makatutok na sila sa bagong directions.
Nais din nila na magkaroon ng pantay na pagkakakilalan sa mga manlalaro na purong Pinoy at yung mga overseas-based na players o mga Fil-foreigners.
Ang nasabing tawa ay ginamit na sa kalagitnaan ng 2000 kung saan mas matunog ng magkaroon ng upset na panalo ang Azkals laban sa Vietenam sa group stage ng 2010 Asean Football Federation Cup sa Hanoi.
Kasabay din nito ay inanunsiyo nila ang bagong napiling coach na si Tom Saintfiet.
Ang nasabing tawag ay sinimulan ng nagbitiw na manager ng PFF na si Dan Palami kung saan inalok pa si Gonzales na maari pa nila itong gamitin.
Sa ngayon ay tatawagin na lamang nila ang men’s football team bilang “men’s national team” o “MNT”.