Hanggang ngayon ay trending pa rin sa mundo ng basketball lalo na sa mga NBA ang nakakagulat na panalo ng Miami Heat sa Game 6 laban sa Boston Celtics sa Eastern Conference finals, 111-103.
Sa ngayon kasi tabla na ang serye sa tig-tatlong panalo.
Bago kasi ang laro kanina, isang panalo na lamang ang kailangan ng Boston upang umusad sa NBA Finals.
Pero ang nakakabilib na performance ni Jimmy Butler ang nag-angat sa Miami upang magkaroon pa ng buhay hanggang Game 7 na gagawin sa Lunes.
Ang 47 points at all-around game ni Butler ay nagbunsod tuloy upang ihanay siya kina LeBron James at iba pang mga basketball legends.
Ang Filipino-American coach ng Miami na si Erik Spoelstra ay nagsabi naman na ang tibay ng dibdib ni Butler ang nagpanalo sa kanila.
Inamin naman ni Butler na bago ang game nila kanina, tinawagan siya ng retired Miami Heat legend na si Dwayne Wade upang palakasin ang kanyang loob.
Liban nito, ang isa pang motibasyon sa team ay nang maasar daw ang mga players ng Miami sa pahayag ng veteran player ng Warriors na si Draymond Green, na ang makakalaban nila sa finals ay ang Boston Celtics samantalang hindi pa naman daw tapos ang serye.