-- Advertisements --
DIONISIA PACQUIAO AND PACMAN
Dionisia Pacquiao and Sen. Manny Pacquiao

Pinagtibay ng Court of Tax Appeals (CTA) ang pagbasura ng tax case na kinakaharap ng ina ni Sen. Manny Pacquiao na si Dionesia Pacquiao.

Ayon sa korte, nagkaroon ng legal shortcuts sa panig ng local revenue officials nang isumite ang mahigit P1 million tax evasion case sa respondent noong 2010.

Batay sa 19 na pahina ng desisyon, sinabi ng tax court en banc, sa pamamagitan ni Associate Justice Esperanza Fabon-Victorino, na ibinasura nila ang petition for review na inihain ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Region No. 18 Director Thelma Milabao.

Matatandaang dati nang ibinasura ng CTA ang kaso, ngunit humirit lamang ng muling pagtingin sa kaso ang BIR official.

Isa sa naging depensa ni “Mommy D” noon sa kaso ang kawalan niya ng regular na kita kaya wala raw mahahabol na milyones ang BIR.

Ang pera umano niya ay nanggagaling lang sa allowance na ipinagkakaloob ng anak na boksingerong si Sen. Pacquiao.