-- Advertisements --

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang tax exemptions ng mga government financial institutions (GFIs) sa ilalim ng panukalang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act.

Sinabi ng chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Sarte Salceda na kanilang inaprubahan ang GUIDE Bill para mapalakas ang kapasidad ng mga GFIs sa pamamagitan nang pagbibigay ng incentives at exemptions sa hilippine Guarantee Corp. (PGC), LandBank of the Philippines (LBP), and Development Bank of the Philippines (DBP), pati na rin sa bubuuing ARISE holding company.

Pinapahintulutan din ng panukala ang pagbibigay ng karagdagang pondo na gagamitin ng PGC, LBP, at DBP sa credit refinancing.

Nakasaad dito na dapat ay expmted na sa documentary stamp tax, capital gains tax, creditable withholding income tax, value-added tax, gross receipts tax, at iba pang buwis ang mga transaksyon ng DBP, LBP, ARISE special holding company, at mga subsidiaries nito.

Mababatid na kamakailan lang ay naisama na rin sa Bayanihan to Recover as One bill o ang Bayanihan 2 ang ilang bahagi ng GUIDE, partikular na ang karagdagang pondo para sa GFIs.

Ayon kay Salceda, ang pag-apruba nila ng komite sa substitute bill ng panukala ay pagpapakita lang din ng kanilang suporta sa nilalaman ng GUIDE na naisama sa ilalim naman ng Bayanihan 2.