Binuhay sa Senado ang panukala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magtatanggal ng buwi sa overtime pay ng mga manggagawa.
Matatandaang una na itong naihain noong 15th Congress ngunit hindi naisabatas.
Layunin nitong amyendahan ang tax code at gawing exempted sa buwis ang natatanggap na bayad sa sobrang oras ng trabaho.
Bagama’t inamin ni Recto na makakabawas ito sa tax collection ng gobyerno, may malaking balik naman ito sa pamamagitan ng paggastos ng mga manggagawa.
“This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate activities in the industrial and service sectors and eventually generate more taxes,” wika ni Recto.
Kapag naging ganap na batas, makakatulong ito sa 26.7 million workers mula sa pampubliko at pribadong sektor.