Itinalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. ang isang tax lawyer na si Atty. Romeo Lumagui Jr., bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Si Lumagui ay nanumpa ngayong araw kay Pangulong Marcos sa palasyo Malacanang.
Bago na-appoint na pinuno ng BIR, nagsilbi itong deputy commissioner ng mismong tangggapan na kaniyang hahawakan na ngayon.
naitalaga rin siya sa ilan pang tungkulin, tulad ng technical assistant to the commissioner, tax fraud head for Revenue Region No. 6, ganun din sa Revenue Region No. 4 at Revenue Region No. 7B as Eastern Metro Manila.
Si Lumagui ay nagsilbi ring project management at implementation service, kung saan tumutok siya sa mga development at paggabay sa ipinapatupad na overall reform o modernization program ng ahensya.
Humawak din si Lumagui ng ilang task forces para mapalakas ang collections, kagaya ng Assets Recovery Task Force, kung saan ang total collections ay pumalo sa P833.69 million at Task Force on Direct Selling/Multi-Level Marketing and Investment Scams, na nakapagtala naman ng total P792.56 million collection sa loob lamang ng isang taon.