-- Advertisements --
Hawak na ng New York Prosecutors ang mga tax records ni dating US President Donald Trump.
Sinabi ni Danny Frost ang tagapagsalit ni Manhattan District Attorney Cyrus Vance na naibigay na ng kampo ni Trump ang nasabing mga dokumento.
Ibinigay agad ng kampo ni Trump ang mga dokumento matapos na maglabas ng kautusan ang US Supreme Court.
Mahigit isang taon na ipinaglaban ng Democrats para makuha ang tax record ni Trump sa nagdaang walong taon.
Iniimbestigahan kasi ng prosecutors office ang alegasyon na binayaran ni Trump ang dalawang babae na kaniyang nakarelasyon para manahimik at para hindi makasira sa pagtakbo nito sa halalan noong 2016.