-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez na nalagpasan na ng Pilipinas ngayon taon ang P2.2 trillion tax revenue.

Ayon sa kalihim na noon pang Agosto ay mayroong mahigit 8 percent ang pagtaas ng tax revenue ngayon taon.

Pinababa kasi ng gobyerno ang projected tax revenue ngayong taon mula sa dating P3.42 trillion ay ginawang P2.2 trillion dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Pinuri nito ang ginawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC) na siyang mayroong malaking koleksyon hanggang Agosto.

Umaasa naman ang DoF na makakakulekta sil ang P2.71 trillion na buwis sa 2021 kapag magbukas na muli ang ekonomiya na labis na naapektuhan dahil sa pandemic.