-- Advertisements --

CEBU – Muntikan ng maputol ang dila ng taxi driver ng umano’y dalawang tulisan dakong ala-1:00 ng madaling araw noong Martes, Abril 12, 2022 sa Brgy. Pitalo, bayan ng San Fernando, southern Cebu.

Inihatid pa umano ng driver ang dalawang magnanakaw mula sa Banawa, Brgy. Guadalupe, Cebu City hanggang San Fernando.

Kinilala ang biktima na si Andres Alfanta, 52, ng Brgy. Cantao-an, Naga city, driver ng Hadjie Taxi.

Matagumpay na naoperahan si Alfanta ng isang doktor sa Cebu South Medical Center, dating Talisay District Hospital, sa pamamagitan ng pagtatahi ng dila na hiniwa ng umano’y magnanakaw.

Sinabi ni Police Corporal Mario Paul Pino, imbestigador sa San Fernando Police Station, na hindi pa nila nakikilala ang dalawang tulisan na inilarawan ni Alfanta na nasa hustong gulang na ngunit hindi niya maaninag ang kanilang mga mukha dahil nakasuot sila ng facemask at nakasuot ng sombrero.

Pareho umanong may mga armas pati na rin mga kutsilyo.

Sinabi ni Pino na nahihirapan sila dahil hindi makapagsalita ng tama si Alfanta dahil sa injury sa dila.

Ngunit nabatid na pauwi na ito sa lungsod ng Naga nang parahin ng dalawang lalaki sa may Banawa, Guadalupe.

Magpapahitd umano ang mga ito sa Sn Fernando na sinang-ayunan niya rin dahil pauwin narin ito.

Nang medyo malayo na sila sa barangay hall sa Pitalo, nagdeklara ng pagnanakaw ang dalawa saka tinutukan siya ng armas at kutsilyo.