-- Advertisements --

ILOILO CITY- Hindi pa rin sumusuko sa otoridad ang taxi driver na na nakuhanan ng video na pinipilit ang kanyang pasahero na hawakan ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.

Ang biktima ay si alyas Ken isang transgender,samantalang ang suspek ay si Leopoldo Estabillo Jr., residente sang Lambunao,Iloilo at umi-extrang driver ng Julix Taxi Transport Corp.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 6 legal officer Atty. Salvaodr Altura jr., sinabi nito na nagsasagawa na sila ng moto proprio investigation at nag-isyu na ng show cause order sa operator ng taxi unit na minamaneho ng nirereklamong driver.

Ayon kay Altura, maaaring maharap sa patong-patong na kaso ang driver dahil sa mga violations nito.

Aniya, malinaw na hindi nagpakita ang driver good moral character at courtesy sa pasahero, at wala rin itong suot na prescribed uniform ngunit ito ay ipapaubaya na Land Transportation Office Region 6 na nagsasagawa rin ng parallel investigation.