-- Advertisements --
taxi

Hinihiling ng mga taxi operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling ikonsidera ang kanilang petisyon para sa P30 na pagtaas sa flagdown rate.

Ayon kay Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) president Bong Suntay, may pending motion for reconsideration ang samahan dahil hindi napagbigyan ang orihinal nilang petisyon.

Nagbigay lamang ang LTFRB ng dagdag na P5 na nagpapahintulot sa mga taxi na maningil ng flagdown rate na P45 noong nakaraang taon.

Gayunpaman, maraming mga taxi driver at operator ang nagpasyang hindi singilin ang inaprubahang mas mataas na pamasahe dahil walang meter recalibration.

Isinusulong ng mga taxi operator, ani Suntay, ang minimum fare na P70.

Aniya, makatwiran ang P30 fare hike kung isasaalang-alang ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.