-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan sa katatapos na 63rd Grammy Awards sina Taylor Swift at Beyonce.

Ito ay matapos nakuha ni Swift and Album of the Year para sa album nitong “Folklore”.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagawaran ang isang babae ng nasabing award sa ikatlong pagkakataon. Ka-tie na nito sina Frank Sinatra , Stevie Wonder at Paul Simon.

Habang si Beyonce ay nakagawa rin ng kasaysayan matapos magawaran ng apat na award sa iisang gabi lamang.

Siya ang kauna-unahang babaeng nakatanggap ng nasabing award.

Kabilang dito ang the Best Rap Song at Best Rap Performance kasama si Megan Thee stallion para sa “Savage “, Best R&B Performance para sa “Black Parade” at Best Music Video.

Sa kabuuan si Beyonce ang kauna-unahang babae na nakatanggap ng pinakamaraming Grammy award na umaabot sa 28.

Habang ang kantang “I Can’t Breathe ” NG FIL AM NA SI H.E.R AY kinilalang Best Song of the Year. Ang nasabing kanta ay isang emotional protest song na ginawa ni H. E. R. sa kasagsagan ng protesta matapos mapatay si George Floyd ng mga pulis sa Minneapolis noong Mayo, 2020..