-- Advertisements --

Hiwalay na umano ang singer na si Taylor Swift sa nobyong si Matty Healy.

Kinumpirma ito ng kanilang kampo kung saan naging casual lamang ang hiwalayan nila.

Nagsimulang aminin ng dalawang singer ang kanilang relasyon noong Mayo.

Bago kasi aminin ng dalawa ang kanilang relasyon ay madalas na silang nakikitang magkasama sa publiko.

Dumalo pa ang ang 1975 frontman sa anim na concert ni Swift sa Nashville at Philadelphia.

Una ng inamin ng dalawa na noong 10 taon ang nakakalipas ng sila ay magsimulang mag-date.