-- Advertisements --

Hindi lang 10 kundi 14 na kanta ni Taylor Swift ang pumasok sa Top 14 songs ng Billboard Hot 100. 

Dahil dito, binasag ni Taylor ang sarili niyang record noong 2022 nang angkinin niya ang Top 10 ng naturang music record chart. 

Ngayon kasi, lahat ng kanta sa Top 14 ay nanggaling sa kalalabas lamang na album ng international pop star na The Tortured Poets Department. 

Pinangunahan ito ng lead single niyang Fortnight na nakakuha ng 76 million streams at 19-K traditional sales. Ito naman ang ika-12 kanta ni Taylor Swift na nag-number 1 sa Billboard Hot 100. 

Ang nabanggit naman niyang album ay naka-benta na ng 2.6-M units. Dahil dito, ito na ang pangalawang album na may pinakalamaking debut record sa kasaysayan kasunod ng album ni Adele noong 2015 na nakapagtala ng 3-M unit sales. 

Sa isang online post, nagpasalamat si Taylor sa lahat ng nakinig at bumili ng kaniyang mga awitin.