-- Advertisements --

Binatikos ni Taylor Swift ang naging hakbang ni US President Donald Trump sa hindi pagpondo sa US Postal Service (USPS) ilang buwan bago ang 2020 presidential election.

Sa kaniyang Twitter account, nanawagan ang 30-anyos na singer sa mga mamamayan na maagang bumuto.

Dagdag pa nito na ang ginagawa ng US President ay para mapabagal ang inaasahang pagdagsa ng mga mail-in ballots sa Nobyembre.

Magugunitang plano ni Trump na hindi pondohan ng ilang bilyong dollar ng USPS bilang bahagi ng coronavirus relief package.

Hindi lamang ito ang unang beses na binatikos ni Swift si Trump dahil noong Mayo ay ikinagalit ng singer sa pahayag ng US President na dapat barilin ng mga kapulisan ang mga nagsasagawa ng anti-racism protest sa Minneapolis.