-- Advertisements --

Naging matagumpay ang huling ‘Eras tour’ ng singer na si Taylor Swift sa Vancouver.

Mula sa Arizona na nagsimula noong Marso 17, 2023 ay nagtapos ito sa Canada na siyang pang-149th Eras performance.

Gaya ng inaasahan ay laging sold-out ang concert tickets nito na ginanap sa BC Place stadium.

Tinatayang kumita umano ang singer sa nasabing konsiyerto nito na aabot sa mahigit $2-Bilyon.

Maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay dumalo sa konsiyerto nito sa Toronto kasama ang pamilya niya.

Itinuturing na ang Eras tour ay siyang pinakamatagumpay na konsiyerto sa buong mundo na kumita ng ilang bilyong dolyar.

Lumabas din ang usapin na binigyan ng singer ng malaking cash bonuses ang mga nakasama nito sa concerts.