-- Advertisements --

Maraming fans ng singer na si Taylor Swift ang sabik na para sa concert nito sa Paris.

Nagsimula na kasi ang European leg ng Eras Tour sa apat na petsa sa La Defense Arena sa Paris.

May mga ilang fans na galing pa sa ibang bansa ang dumayo pa sa Paris para mapanood ang kanilang idolo.

Aabot sa 42,000 katao ang manonood kay Swift sa Paris bago ito magtungo sa Sweden, Portugal, Spain, Britain, Ireland, the Netherlands, Switzerland, Italy, Germany, Poland at Austria.

Kinasasabikan pa lalo ng mga fans dahil sa unang pagkakataon ay maririnig nila ang mga kanta mula sa kaniyang bagong album na “The Tortured Poets Department”.

Nagsimula noong Marso 2023 ang Eras Tour sa North at South America at maging sa Asya.

Sa pagtatapos ng taon ay nakabenta na ng mahigit $1bilyon na halaga ng tickets at dumoble pa ito noong isinagawa sa Vancouver noong Disyembre.