-- Advertisements --
Naghahanda na si Taylor Swift na makagawa ng kasaysayan bilang unang babae na mabibigyan ng Global Icon Prize sa BRIT awards.
Tatanggapin nito kasi ang nasabing prestisyosong award sa taunang BRIT Awards na gaganapin sa O2 Arena sa London.
Ayon sa BRIT Awards na may malaking impact ang singer sa buong mundo at kakaibang accomplishment nito sa larangan ng pagkanta.
Bukod kasi sa pagkanta ay ginamit ng singer ang nasabing pagkanta para isulong ang ilang isyu sa mundo na ang pinakahuli ay ang promosyon nito para tanggapin ng komunidad ang LGBTQ.
Si Swift ay siyang unang non-British na tatanggap ng nasabing pagkilala na unang tinanggap nina David Bowie, Elton John at Robbie Williams.