-- Advertisements --

Sumali na si international pop superstar Taylor Swift sa sikat na video-sharing platform na Tik Tok.

Sa unang video na nai-upload nito ay ang pag-promote nito ng kaniyang album na “Red (Taylor Version”).

Sa loob lamang ng isang oras ay mahigit 100,000 ang likes nito sa kaniyang verified account at nagkaroong ng 130,000 na followers sa loob ng isang oras.

Mabilis din na nakakuha ng 300,000 na views ang kaniyang mga video sa loob ng maikling panahon.

Ang 31-anyos na singer ay mayroong 11 panalo at 41 nominations na sa Grammy Awards.