-- Advertisements --

Hakot-award ang 32 year-old singer song writer na si Taylor Swift sa MTV European Music Awards ngayong taon na naganap sa Germany matapos na manalo bilang best video, best artist, best pop at best longform video sa kanyang 10 minute version ng kantang “All Too Well.”

Ayon kay Swift, ang kantang iyon ay ang unang film na siya mismo ang nag-direct kaya naman naging inspirasyon niya din ang mga ito upang magptuloy sa paggawa ng kanyang mga kanta.

Narito pa ang naging reaction at pahayag ni Taylor Swift sa MTV awards.

Sa kabilang banda, ang hip-hop superstar na si Nicki Minaj, ang French electronic DJ na si David Guetta at ang Korean boy band na Seventeen ay nag-uwi din ng maraming tropeo sa 2022 MTV EMAs.

Pinangunahan ng British pop star na si Harry Styles ang mga nominasyon kasama ang pito nomination kabilang ang best artist, best song at best video ngunit sa bandang huli, ay Music Television 2022 best song lamang ang kanyang naiuwi.

Una rito, ang MTV Video Music Awards ay isang award show  para parangalan ang pinakamahusay sa music video medium na itinuring bilang alternatibo sa Grammy Awards na kategorya naman ng video awards. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)