-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ni Taylor Swift ang pagkasawi sa tatlong kababaihan matapos na sila ay pagsaksakin sa northern England.

Ang nasabing biktima ay kasalukuyang nagsasagawa ng dance yoga na pinapatugtog ang kanta ni Swift.

Napag-alaman din niya na fans niya ang mga biktima.

Sa social media account ng singer ay nagpaabot ito ng pagdarasal at kalungkutan.

Naka-ipon naman ang mga fans ni Swift ng $160,000 para ibigay na tulong sa mga pamilya ng bikitma.

Magugunitang pinasok ng 17-anyos na binatilyo ang isang dance studio at pinagsasaksak ang mga biktima.

Nasawi ang tatlong bikitma habang sugatan ang limang iba pa na ang mga edad ay nasa anim hanggang siyam.