-- Advertisements --

Inilabas na ni Taylor Swift ang kaniyang ika-8 studio album na “Folklore”.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi nito na ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang paghihirap, pangarap at takot para sa 16-track album.

Ang deluxe edition ng album ay mabibili sa CD at vinyl na mayroong bonus track na “The Lakers”.

Kabilang sa album ang “Cardigan” at “Exile” na kasama ang singer na si Bon Iver.

Ang nasabing mga kanta ay ginawa na mayroong strict safety protocols dahil sa coronavirus pandemic.

Taong 2019 ng inilabas nito ang huling album na “Lover”.