-- Advertisements --

Napilitang itigil ni Taylor Swift ang kaniyang pagkanta matapos na makita na nangangailan ng tulong ang isang fans.

Makikita sa kumalat na video na habang naggigitara na ang singer ng kaniyang kanta sa concert niya sa Edinburgh, Scotland ay napatigil ang singer.

Nanawagan ito sa mga medical team at security na bigyang tulong ang isang fan na nasa harapan niya.

Hindi aniya nito itutuloy ang konsiyerto hanggang hindi matulungan ang fans.

Dahil dito ay humanga ang mga fans sa ginawa ng singer.

Hindi lamang ito ng unang pagkakataon na ginawa ni Swift dahil tinulungan niya ang kaniyang fan na nagkaroon ng problema sa concert niya sa France.