-- Advertisements --

Hindi ikinaila ni Taylor Swift na ito ay labis na nakaranas ng takot matapos na makansela ang kaniyang concert sa Vienna, Austria dahil sa banta ng terorismo.

Sa socila media account ng singer, na nakokonsensiya ito dahil sa maraming mga fans niya ang nakabili na ng tickets at sabik siyang makita.

Pinasalamatan niya ang mga otoridad dahil sa agad na napigilan ang anumang banta ng terorismo.

Hindi nito na maitago ang pagkadismaya sa pagkansela ng tatlong gabing show subalit kakaiba pa rin ang takot nito.

Tinapos na ng 34-anyos na singer ang kaniyang ‘ERAS Tour’ sa Eruope sa show nito sa London.