-- Advertisements --

Binigyan ni Taylor Swift ng $100,000 ang kaanak ng nasawing babae noong victory parade ng football team na Kansas City Chiefs.

Una ng nagsagawa ng GoFundMe para sa biktimang si Elizabeth “Lisa” Lopez-Galvan kung saan target nilang makalikom ng $75-K para sa iniwan nitong asawa at dalawang anak.

Pinunan ng singer ang nasabing pondo at ginawa nitong $100-K bukod pa sa pagbibigay niya ng dalawang magkahiwalay na tig-$50-K na kontribusyon.

Nag-iwan din ito ng sulat sa donasyon na naglalaman ng pakikiramay sa nasawing biktima.

Magugunitang nasawi ang biktima ng bigla na lamang namaril ang dalawang suspek matapos ang naganap na victory parade ng Chiefs na magkampeon sila sa Super Bowl 58 ng talunin ang San Francisco 49ers.

Dahil sa insidente rin ay nasugatan ang mahigit 20 katao na karamihan sa mga ito ay mga kabataan.