-- Advertisements --
image 399

Mas malaki na ngayon ang posibilidad ng mga Filipino fan na makakuha ng pagkakataon na makadalo sa Taylor Swift’s The Eras Tour sa kalapit bansa na Singapore.

Ito ay matapos magdagdag ang superstar ng tatlo pang petsa ng concert series sa National Stadium sa Singapore na gaganapin sa Mach sa susunod na taon.

Sa pag-anunsyo ng mga bagong petsa, nakatakda na ngayong magtanghal si Swift sa Marso 2, 3, 4, 7, 8 at 9 sa 2024 para sa kanyang tanging paghinto sa Southeast Asia.
Bukod sa Singapore, si Swift ay magkakaroon din ng apat na palabas sa Tokyo Dome sa Japan sa Pebrero 7, 8, 9 at 10.

Batay sa kanyang iskedyul, dadalhin ni Swift ang kanyang Eras concert sa iba’t ibang bahagi ng mundo hanggang Agosto 2024.

Ang Eras Tour, na nagsimula noong Marso, ay isang pagpupugay sa lahat ng mga album ni Swift, kabilang ang kanyang pinakabagong, “Midnights”, at ang mga kulang sa kanilang tour dahil sa pandemya ng COVID-19, gaya ng “Lover,” “Folklore,” at “Evermore”.