-- Advertisements --

Hindi maiwasan ni Taylor Swift na maging emosyonal sa pagtatapos ng kaniyang ‘Eras’ tour sa Canada.

Naging sold-out ang concert nito sa Rogers Canter sa Toronto kung saan napahinto pa ang singer sa kalagitnaan ng kanta para pasalamatan ang mga fans.

Lahat ng mga nakasama nito mula sa production, banda at lahat ng mga tao ay kaniyang pinasalamatan.

Napaluha rin ito kung saan sinabi niyang hindi mapapantayan ang pagmamahal niya sa Canada.

Kabilang sa nanood ng concert nito si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kung saan sumabay pa ito sa pagsasayaw sa mga kanta ni Swift.

Mayroon pang tatlong concert itong natitira sa Vancouver mula Disyembre 6 hanggang 8.

Umabot sa mahigit 150 concerts ang naisagawa ni Swift sa mahigit limang kontinente.