Nagtala ng record ang American singer-songwriter na si Taylor Swift.
Siya kasi ang unang female artist na mayroong apat na albums na magkakasabay na nasa Top 10 ng Billboards 200 charts.
Sa kalalabas lamang kasi ng kaniyang album na re-recorded album na “Speak Now (Taylor’s Version)” ay agad na nakapasok ito sa Billboard 200 charts.
Pasok din ang kanta sa tatlong spot ng Billboard top 200 chart ang tatlong kanta ng Grammy Award winner.
Ito aniya ang unang pagkakataon na isang babaeng artist ang nakakamit ng nasabing record mula noong Agosto 1963 ng “mono and stereo album charts” ay pinagsama para makabuo ng “one all-encompassing list”.
Ang 33-anyos na hitmaker din ang unang living musician sa 57 taon na makamit ang nasabing record ni American trumpeter Herb Alpert.