Nagtala ng record sa kasaysayan ng MTV Video Music Awards ang singer na si Taylor Swift.
Humakot kasi ito ng kabuuang pitong award kasama na ang top prize na Video of the Year.
Dahil dito ay siya na ang solo artist na mayroong most career VM wins at artist na may most video of the year na napanalunan.
Sa kaniyang acceptance speech ay pinasalamatan niya ang nobyo na si Kansas City Chiefs tight end Travis Kelce.
Hinikayat din ito ang mga fans na may edad 18 pataas na bumuto sa US Presidential elections.
Magugunitang inindorso ni Swift sa pagkapangulo ng US si Vice President Kamala Harris.
Ilan sa mga awards na nakuha niya ay ang Video of the Year sa music video niya na “Fortnight” , Artist of the Year; Best Collaboration kasama si Post Malone sa kantang “Fortnight”; Best Pop ; Best Direction ; Best Editing at Song of the Summer sa kanta nitong “Fortnight”.