-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer na si Taylor Swift ang bonding moment niya sa Royal Family.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito na kasama si Prince William at dalawang anak nito na sina Prince George at Princess Charlotte.

Kabilang kasi sila sa nanood sa concert ng singer sa Wembley Stadium sa London.

Ibinahagi rin ng Kensington Royal ang larawan kung saan kasama dito ang nobyo ng singer na si NFL star Travis Kelce.

Binati rin ng singer si Prince William sa kaniyang ika-42 kaarawan.

Umaabot sa mahigit 88,000 ang nanood ng concert na iyon ng singer sa London.

Mayroong walong shows sa London ang singer na ito na ang pinakamaraming show sa bansang napupuntahan niya.