-- Advertisements --

Niregaluhan ni Taylor Swift ang anak ng namayapang NBA star na si Kobe Bryant.

Natalia Bryant
Natalia Bryant

Sa kaniyang social media account, ibinunyag ng maybahay ni Bryant na si Vanessa, na nakatanggap ang kaniyang 17-anyos na anak na si Natalia ng cardigan na parehas na suot ni Swift sa bagong album nito.

Pinasalamatan din ni Natalia Bryant si Swift at labis ang kasiyahan nito.
Mula pa kasi noon ay iniidolo na ng pamilya Bryant si Swift.

Umakyat pa nga noon ang Los Angeles Lakers star sa stage kung saan nagko-concert si Swift at iniabot ang banner.

Magugunitang pumanaw ang NBA star noong Enero kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa matapos bumagsak ang kanilang helicopter na sinakyan.