-- Advertisements --
Isasama ni Taylor Swift ang re-release album nito ang unang kanta ng sinulat ni Ed Sheeran noong 2012.
Muli kasing magsasagawa ng pag-release si Swift sa unang album niyang “Red”.
Mayroong kabuuang 30 kanta ang nasabing re-release na album niya.
Bukod sa pag-record muli ng mga dating kanta niya ay mayroong walong kanta na hindi pa nailalabas.
Kabilang na dito ang collaboration niya kay Phoebe Bridgers at Chris Stapleton na ginawa noong 2012.
Kasalukuyang nagrerecord muli ang singer ng kaniyang mga lumang kanta habang hinihintay nito ang desisyon ng korte sa ownership ng mga lumang kanta niya.