Pinangalanan ng Forbes Celebrity 100 list ang singer-songwriter na si Taylor Swift bilang highest-paid entertainer ng taon.
Ito’y dahil sa $185 million o halos 10 bilyong piso pretax income ni Swift noong mga nagdaang taon.
Naungusan ng 29-year-old American pop star ang dalawa sa miyembro ng sikat at kontrobersyal na Kardashian clan na sina cosmetics queen Kylie Jenner at ang rapper na si Kanye West.
Kasama rin sa nasabing listahan ang soccer stars na sina Lionel Messi, Cristiano Ronaldo at Neymar.
Hindi rin nagpahuli ang British singer-songwriter na si Ed Sheeran at ang 1970s soft rock band na “Eagles”.
Ang asawa naman ni Kim Kardashian na si Kanye ay muling napasama matapos nitong malaglag sa listahan sa loob ng apat na taon.
Sa pagtaya ng Forbes, umaabot ng halos $150 million ang pre-tax earnings dahil na rin sa sikat nitong sneaker line na Yeezy.
Si Kim Kardashian naman ay nasa ika-26 sa listahan.
Noong 2018 nang ilabas ni Swift ang kaniyang Reputation tour at album na kumita ng $185 million.
Minsan na ring nanguna ang “You Belong With Me” singer noong 2016 nang i-release nito ang kaniyang best-selling 1989 tour at album.