-- Advertisements --

Inihayag ng singer na si Taylor Swift na kaniyang susuportahan sa pagkapangulo ng US si Vice President Kamala Harris.

Sa social media account nito ay sinabi niyang matapos na mapanood ang debate ni Harris at dating US President Donald Trump ay napagtanto na may magandang paghawak sa mga isyu ang US Vice President.

Ibinahagi din nito ang ginawa ng kampo ni Trump na gumamit ng artificial intelligence ng mukha niya at inindorso umano siya.

Giit nito na kabilang siya sa lumalaban sa maling paggamit ng AI at misinformation kaya iboboto niya si Harris at Tim Walz para sa 2024 Presidential Election.

Tinawag naman ni Trump ang pag-endorso ni Swift bilang “ver liberal person” at sinabi niya na pagbabayaran niya ang presyo nito sa marketplace.