-- Advertisements --

Tinanghal bilang global recording artist of the year si Taylor Swift ng International Federation of the Phonographic Industry.

Ito na ang ikalawang taon na magkasunod na nakuha ng pop superstar ang nasabing award.

Nagwagi na rin ito ng nasabing award noong 2014, 2019 at 2023.

Ang nasabing pagkilala ay isinasagawa sa pamamagitan ng worldwide sales sa streaming, download at physical music formats ng isang singer sa loob ng isang taon.