-- Advertisements --

Tinanghal bilang pinakamayamang female musician ng Forbes ang American singer na si Taylor Swift.

Ayon sa Forbes na mayroong kabuuang yaman ito na aabot sa mahigit $1.6-B na galling sa sold-out concert na “Eras Tour”.

Bukod pa dito ay mayroon pa itong $125 milyon sa real estate holdings.

Nahigitan na nito ang kapwa singer na si Riihanna na mayroong $1.4 bilyon.

Kabilang din sa listahan si Beyonce na mayroong kabuuang yaman na tinatayang aabot sa $760 milyon.