Nagbigay ng $30,000 bilang donasyon ang singer na si Taylor Swift bilang tulong sa isang London-based student.
Naglunsad kasi ng fund-raising drive ang London-based student na si Vitoria Mario para makapasok sa University of Warwick.
Galing sa Portugal at nanirahan sa UK ng apat na taon.
Dahil sa hindi ito eligible para sa maintenance loans o grants ay naglunsad na ito ng fund raising drive para makapag-aral sa kolehiyo.
Hirap din ang kaniyang magulang para suportahan ang kaniyang pag-aaral gaya ng accomodation, laptop, textbooks at general living costs.
Ayon kay Swift, nahabag ito sa naging kuwento ni Vitoria na pursigido itong makapagtapos ng pag-aaral kaya hindi na ito nagdalawang-isip na tumulong.
Labis-labis naman ang pasaalamat ni Vitoria sa naging donasyon na ito ng singer.