-- Advertisements --

Hindi sa red carpet kung hindi black carpet ang nilakaran ng mga sikat na Hollywood singers and personalities sa 2022 Video Music awards (VMAs) na ginanap sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.

Isa sa big winner ay ang pop superstar na si Taylor Swift na nanalo bilang Best Longform 2022 dahil sa kanyang kanta na 10 minute version na “All too well.”

Nagpasalamat naman ang singer kay Saidie Sink at sa iba pang naging parte ng short film para sa “All too well.”

Natanggap naman ng One Direction member na si Harry Styles ang awards bilang Album of the Year.

Samantala hindi naman nadismaya ang mga K-pop fans ng Black Pink dahil natanggap rin ng K-pop group ang Best Metaverse Performance award at hindi lang ‘yan dahil natanggap din ni Lisa ang Best K-Pop 2022 award.

Nanalo din bilang Best Collaboration sina Lil Nas at Jack Harlow sa awiting Industry Baby.

Hindi naman nagpahuli si Nicki Minaj na nagbigay din pasasalamat dahil na rin ang 2022 recipient ng Video Vanguard award.

Nagsilbi namang mga hosts sa show sina LL Cool J, Minaj, at Harlow. (Bombo Merry Chill Emprido)