-- Advertisements --
Kinumpirma ng kapatid ni Heber Bartolome na sumakabilang-buhay na ang nasabing folk music icon.
Ayon sa kapatid nitong si Jesse, kagabi lang nang mawalan ng pulso si Heber ngunit isinugod pa rin sa ospital.
Biglaan aniya ang pagpanaw ng kinikilala bilang haligi ng Pinoy rock dahil masaya pa silang nagdiwang ng kaarawan nito noong nakaraang linggo.
Gayunman, mahigit isang taon nang mayroong prostate stones ang kapatid na nakilala sa masterpiece nito na “Tayo’y Mga Pinoy.”
Si Heber Bartolome ang siyang founder ng bandang Banyuhay na nasa likod ng iba pang awitin gaya ng “Almusal,” “Karaniwang Tao,” and “Inutil Na Gising.”