Umapela ang Teachers Dignity Coalition kay President Bongbong Marcos Jr., na pumili ng hindi pulitiko para sa susunod na kalihim ng Department of Education.
Ayon kat TDC chairperson Benjo Basas, ito raw ay para matiyak na hindi masasangkot ang kagawaran sa mga pagtatalo o alitan sa pulitika.
Ang panawagan na ito ay matapos nga magbitiw sa pwesto si Vice President Secretary Sara Duterte bilang DepEd chief noong nakaraang linggo.
Walang gaanong paliwanag ang bise presidente sa kung bakit ito nagbitiw bukod sa sinabi nito na ito ay dahil sa malasakit niya sa mga guro at mga estudyante.
Halos isang buwan nalang ang mayroon ang Pangulong Marcos para pumili ng kapalit ni Duterte, na ang pagbibitiw ay magkakabisa sa Hulyo 19, 2024.
Una na rito, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, na dapat si Sen. Sonny Angara ang susunod na kalihim ng DepEd.