-- Advertisements --

Patay ang isang estudyante at teacher nito habang anim ang sugatan, nitong araw ng Martes, matapos magpaulan ng bala ang 15-taon gulang na babaeng suspek sa isang private Christian school sa state ng Wisconsin, United States (US).

Ayon sa mga awtoridad napaglaman nila na kapwa estudyante ang suspek at pumasok pa raw ito bago isinagawa ang mass shooting na kalaunan ay natagpuan sa pinangyarihan na wala nang buhay.

Hinala ng mga pulisya ay binaril nito ang kanyang sarili pero para makatiyak ay isasailalim ang suspek sa autopsy upang malaman ang cause of death nito.

Bagama’t hindi pa tukoy ng mga polisya ang motibo ng suspek ay patuloy naman nilang iniimbistigahan ang pamilya ng suspek kung paano ito nakakuha ng baril na siyang ikinasawi ng dalawang tao at ikinasugat ng anim na estudyante.

Inuulat pa ng polisya na dalawang estudyante ang nagtamo ng kritikal na kalagayan at apat na iba pa ang patuloy na ginagamot sa ospital.

Naglabas naman ng mensahe si US President Joe Biden hingil sa nangyaring pamamaril na aniya ‘nakakagulat at walang kaawa-awa’ ang gumawa ng naturang pamamaril.

‘Students across our country should be learning how to read and write – not having to learn how to duck and cover,’ pahayag ni Biden, matapos ipatawag ang kongreso nito upang aksyunan agad kung paano mapipigilan ang gun violence sa bansa.

Sa kaso ng gun violence sa US naitala ng news organization na EducationWeek ang 38 na kaso ng school shootings sa taong 2024 kung saan 69 na ang napaulat na nasugatan at mahigit 16 na ang nasawi.